kasabihan ni atalia

Life is like a can of fruit cocktail. If you don’t like any of the fruit, at least you still have the syrup, Not good enough? Well the tin can is still recyclable. -Eros Atalia

Flirtationship o it’s more than a friendship, less than a relationship.
Relationshipy o parang sila, pero hindi pala. Sino malabo?
Huli, ang Relationsnack o para sa mga taong forever nagda-diet at ginawang ala cart ang iba’t ibang aspeto ng relationship.

– Its Not That Complicated, Eros Atalia

sa buhay na ito minsan kailangan mamili kahit parang walang pagpipilian
at minsan kelangan mamili kahit na anuman ang mapili ay talo ka pa rin… – Eros Atalia

 

“Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing ‘and they live happily ever after’ kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe(matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.” -Sir Eros Atalia, Ligo na U, Lapit na Me
“Tapusin ang dapat tapusin nang may masimulan namang bago.” -It’s Not That Complicated, Eros Atalia
“Walang duda, mahal ko na nga siya. Wala ring duda na alam niya ‘yun kahit hindi ko sinasabi. Wala ring duda na dapat sinabi kong mahal ko siya kahit alam niya na yun. Hindi rin siguro kami naiiba sa iba, na gusto pa ring marinig ang mga bagay na alam na namin. Iba pa rin yata kapag sinasabi.” — It’s Not That Complicated, Eros Atalia
“Sakaling makita ko siya uli at masabing mahal ko siya, hindi naman ako makatitiyak na hindi na siya aalis. Kahit magtatambling pa ako at mag-cartwheel nang isang libong beses, kung gusto nyang umalis, walang makakapigil sa kanya. Siguro, ganito talaga ang buhay. May mga taong dumarating at umaalis nang walang paalam. Hindi mo alam kung sa’n nanggaling at sa’n papunta. Siguro, sa lansangan ng pag-ibig, sapat na yung minsan ay nakasabay o nakasalubong mo ang isang tao sa daan, pasalamat na lang at kahit minsan, nagtapat o nagpantay din ang inyong mga hakbang.” — It’s Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sakupin Ng Mga Alien Ang Daigidig sa 2012, Eros Atalia.
Sa lansangan ng pag-ibig, sapat na ung minsan ay nakasabay o nakasalubong mo ang tao sa daan, pasalamat nalang at kahit minsan, nagtapat o nagpantay din ang inyong mga hakbang — It’s Not That Complicated – – Eros Atalia
May mga babaeng maganda sa malayo. Pero ‘pag lumapit, malayo sa maganda. ~ Intoy, It’s Not That Complicated by Eros Atalia
“Kapag ganitong hindi alam ang gagawin, wag nang magmarunong. Lalong nagmumukhang tanga.”

-e.a.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s